Kinatigan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Cadiz City Mayor Eduardo Varela na sumailalim sa probation sa loob ng apat na taon dahil sa ilegal na pagsibak sa higit 100 empleyado noong 1999.
Sa resolusyon ng fifth division ng anti-graft court, inparubahan ng korte ang ‘application for probation’ ni Varela kasunod ng ipinalabas na post-sentence investigation report ng Bacolod City Parole and probation office.
Magugunitang napatunayang guilty ng sandiganbayan si Varela sa kasong paglabag sa Republic Act 6656 o Act to Protect the Security of Tenure of civil Service Officers and Employees kung saan pinatawan siya ng hanggang limang taong pagkakakulong.