Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force o IATF ang rekomendasyon ng Department Of Health o DOH na magsagawa ng COVID-19 testing sa mga byahero sa ika-7 araw ng kanilang quarantine makaraang dumating sa Pilipinas.
Ito’y makaraang matuklasan na mataas pa rin ang “viral load” sa ika -7 o ika-8 araw kaya nabuo ang rekomendasyon para rebisahin ang protocol sa pagdating mga biyahero sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na sasailalim sa testing ang mga darating na biyahero sa bansa ngunit kailangan tapusin ang 10 araw na quarantine sa national level.
Pagtapos ng 10 araw na quarantine, ie-endorso ang mga ito sa kani-kanilang Local Government Unit para ipagpatuloy ang apat na araw pang quarantine.