Pinayagan na umano ng Korte Suprema ang hirit ng DOJ o Department of Justice na ilipat sa Metro Manila ang mga pagdinig kaugnay sa kasong rebelyon laban sa mga nasa likod ng madugong pag-atake sa Marawi City.
Ayon sa source ng DWIZ sa hudikatura, napagkaisahan ng mga mahistrado “in principle” na ilipat na lamang ang lugar ng paglilitis kung saan, tinitingnan ngayon ang Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Sinabi pa ng source sa DWIZ Patrol na mismong si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang naatasang magpa-ikot ng draft resolution hinggil sa mechanics ng change of venue.
Magugunitang agad umapela si Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraang ibasura nito ang hirit ng kalihim na dalhin sa Luzon o Visayas ang paglilitis dahil sa usapin ng seguridad sa halip, inilipat iyon sa Cagayan de Oro City na hindi kalayuan sa Marawi.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Hirit ng DOJ na ilipat sa Metro Manila ang paglilitis laban sa Maute Terror Group kinatigan ng SC was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882