Pinagbigyan ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia ang hirit ng isang Pinoy community leader sa Najran na si Ronald de la Cruz na alamin ang sitwasyon doon.
Ang Najran ay ang border sa pagitan ng Saudi Arabia at Yemen kung saan una nang napaulat na may nadamay umanong mga Pinoy sa naganap na pagsabog noong nakaraang linggo, bagay na pinabulaanan naman ni de la Cruz.
Kaugnay nito, sinabi ni Vice Consul Alex Estomo, Head ng Assistance to National Section na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon sa lugar.
Bukod dito, sinabi rin ni Estomo na balak nilang magtayo ng isang crisis management hub sa area upang mabantayang mabuti ang kalagayan ng mga Pinoy roon, pati sa karatig lugar gaya ng Jizan at Samtah.
Paalala pa niya, sakaling lumala ang sitwasyon doon, ang magsisilbing consolidation point para sa mga Pinoy sa Najran ay ang Abha Province.
By Jelbert Perdez