Pinangangambahang umabot pa sa Pito hanggang Walong Milyon mula sa kasalukuyang Anim na milyon ang backlog sa mga pabahay kung hindi ito agad aagapan ng pamahalaan.
Ito ang babala ni House Committee on Housing and Urban Development Chair at Negros Occidental Rep. Albee Benitez makaraang talakayin sa Malakaniyang ang pag-okupa ng grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa mga pabahay ng gubyerno sa Bulacan.
Kasunod nito, pinagsabihan ng mambabatas ang NHA o National Housing Authority na pag-aralang maigi ang kanilang pasya na huwag munang paalisin ang KADAMAY sa kanilang mga inokupahan dahil posible silang maharap sa technical malversation.
Sinopla rin ni Benitez ang hirit ng grupo na ibigay sa kanila ng libre ang mga inokupahang pabahay dahil wala na aniyang libre sa panahon ngayon.
By: Jaymark Dagala