Nakatakdang talakayin ng Commission on Elections ang hirit na extension ng Liberal Party at ng kanilang Presidential candidate na si Dating Dilg Secretary Mar Roxas sa paghahain ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE sa Martes, June 14.
Ayon sa COMELEC, pag-aaralan nila ang mga naging argumento ng liberal party kung bakit ito nahuli sa pagpapasa ng SOCE.
Matatandaang umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang late submission na ito ng LP at ni Roxas kung saan iginiit nila na sana ay pinanindigan ng COMELEC ang nauna nitong desisyon na maparurusahan ang mga hindi tumalima sa deadline.
Samantala, kumambiyo naman si COMELEC Spokesman James Jimenez at sinabing hindi madi-disqualify ang mga nanalong kandidato na hindi nakapagsumite ng SOCE.
By: Meann Tanbio