Suportado ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang panukala ng ilang bagong halal na senador sa pangunguna ni dating PNP chief Ronald Dela Rosa na ibalik ang parusang kamatayan.
Ito, ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, ay sa kabila ng pagtutol ng mga human rights group.
Sa katunayan anya ay nagkaroon sila ng pag-asa sa pagkakahalal ng mga senador at kongresista lalo’t ang pagbuhay sa death penalty ang isa sa dahilan ng kanilang pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod sa mga henious crime at drug trafficking, suportado ng VACC ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa kasong plunder o pandarambong.
“Maapproved muna then later on na ito ay isang ganap na batas na, magkaroon nalang ng revision later on. Maybe ito ngang plunder at itong plunder kasi, kino-consider namin ito na isang mother of all crimes kung saan ito’y isang pag atake sa national treasury doon sa kaban ng bayan kung saan lahat ng mahihirap, mayaman and poor of the poorest ay tinatamaan dito sa plunder.”
(Ratsada Balita Interview)