Pag-uusapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ang hirit ng ilang mga manufacturer na itaas ang presyo ng mahigit 30 Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC) bunsod ng mataas na presyo ng langis dahil na rin sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hawak na nila ang request ng mga manufacturer para sa price increase ng ilang basic products.
Kabilang sa mga produkto na inihihirit itaas ay ang mga manufacturer ng de latang sardinas at meatloaf; mga de latang karne; gatas; bottled water, dairy products, common household o kitchen supplies at iba pang pangunahing produkto.
Samantala, iginiit naman ni Lopez na hindi maaaring i – adjust ang suggested retail price ng mga basic products nang hindi dumadaan at walang approval ng kanilang ahensya. —sa panulat ni Angelica Doctolero