Sang-ayon ang National Water Resources Board na dagdagan ng 2 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Ito’y para sa 50 cubic meters per second na mas mataas kaysa sa regular na 48 cubic meters per second na layuning makontrol ang pagkaantala sa suplay ng tubig sa Metro Manila at iba pang lalawigan at matiyak na mayroong sapat na tubig sakaling tumama ang El Niño phenomenon ngayong Hulyo o sa susunod na buwan.
Ayon sa NWRB, ang pag-apruba sa water allocation ay bahagi ng kanilang Water Management Strategy, upang mapanatili ang sapat na water level sa angat dam kung magpapatuloy ang epekto ng El Niño sa bansa.
Sa kabila nito, nanawagan sa publiko ang NWRB, na magtipid sa paggamit ng tubig at mas mainam ang pagre-recycle sa tubig tulad nalang ng pag-iipon ng tubig-ulan bilang panlinis ng kotse at pandilig sa mga halaman.