Hindi tinanggap ni International Criminal Court Prosecutor Karim Khan ang mga inilatag na argumento ng gobyerno ng Pilipinas, hinggil sa war on drugs ng nakaraang Duterte administration.
Sa 59 na pahinang tugon ni Khan, ipinunto nitong nabigo ang Pilipinas na patunayang nagkaroon ng pagkakamali sa desisyon ng I.C.C. Pre-trial chamber na payagang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war.
Ayon sa prosekusyon, tila inengganyo at kinunsinte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang government official, sa pangunguna ng P.N.P. ang pagpatay sa mahigit 5,000 katao sa ilalim ng giyera kontra droga, na maituturing umanong crime against humanity.
Dahil dito, hiniling ni Khan sa appeals chamber na ibasura ang apela ng Pilipinas na isinumite noong Marso at pahintulutan na ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng prosekusyon alinsunod sa Article 18 ng Rome Statute.