Pinaboran ng dalawang korte ang hirit ng kumpanyang Shell na ipatigil ang utos ng Department of Energy (DOE) na ‘unbundling’.
Ang ‘unbundling’ ang maghihimay ng presyuhan ng produktong petrolyo.
Sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court (RTC), iginiit na bigo ang DOE na magpakita ng ebidensya para pigilan ang hirit ng Shell.
Sa Mandaluyong RTC naman nakakuha ng injunction ang kumpaniyang Petron.
Paliwanag ng korte, lugi ang Petron kung itutuloy ang unbundling dahil masisiwalat ang diskarte ng kumpanya sa pagbili at pagbenta ng kanilang produktong petrolyo.
Samantala, pumalag naman ang Laban Konsyumer sa naging desisyon ng dalawang korte.
Iginiit ng grupo na dapat ay imbestigahan ng DOE at DOJ kung bakit pare-pareho at halos sabay-sabay ang galaw sa presyo ng petrolyo.