Ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hirit na dagdagan ng P470 sa daily minimum wage sa Metro Manila ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Ayon sa RTWPB, hindi na nila sakop ang petisyon na inihain ng TUCP noong Marso a-14, na layong gawing P1,007 ang daily minimum wage sa Metro Manila mula sa P537 bunsod ng taas ng presyo ng bilihin.
Nabatid na bukod sa Metro Manila, naghain din ang TUCP ng mga petisyon upang taasan ang sahod sa iba pang mga rehiyon sa bansa.
Samantala, ikinalungkot naman ni TUCP Spokesperson Alan Tanjusay ang desisyon ng RTWPB, at sinabing hindi nila susukuan ang petisyon. —sa panulat ni Mara Valle