Ibinasura ng DOJ o Department of Justice Panel of Prosecutors ang kahilingan ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption at VPCI o Vanguard of the Philippine Constitution Incorporated.
Kaugnay ito sa hirit na kumalap ang panel of prosecutors ng mga dokumentong may kinalaman sa kontrobersiyal na dengvaxia laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang dating opisyal.
Iginiit ng DOJ prosecutors, oras na naghain ng kaso ang mga complainants, dapat ay kumbinsido na ang mga ito na mabigat at sapat ang hawak nilang ebidensiya laban sa mga akusado.
Dagdag ng DOJ prosecutors, hindi na bahagi ng tungkulin ng panel ang kumalap pa at pagsama-samahin ang mga ebidensiya.
Hindi naman ikinabahal ni Atty. Manuelito Luna ng VACC ang ginawang pagbasura ng DOJ sa kanilang kahilingan dahil hawak na anila ang ilang mga kinakailangan nilang dokumento.