Ibinasura ng Judicial and Bar Council ang isa sa mga hirit ni Atty. Larry Gadon na bigyan din siya ng kopya ng medical record ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Partikular na rito ang psychological evaluation na isinagawa kay Sereno ng mga doctor ng Supreme Court na kalauna’y sinibak ng punong mahistrado matapos na pumutok ang balitang bagsak siya sa psychiatric test.
Sa dalawang pahinang liham bilang tugon sa letter request ni Gadon, idinahilan ng J.B.C. ang isinasaad ng section 3, rule 6 ng revised J.B.C. Rules o Confidentiality Rule.
Pirmado ang nasabing tugon ng J.B.C. nina atty. Annaliza Ty-Capacite, J.B.C. Executive Officer at Atty. Jose Mejia, acting Executive Committee Chairperson at mga regular member ng konseho.
Matatandaang pumutok ang balita noong Agosto 2012 na bagsak ang psychiatric test ni Sereno nang mag-apply ito bilang punong mahistrado pero itinalaga pa rin ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang Chief Justice.
By: Drew Nacino
SMW: RPE