Pinagbigyan ng Court of Appeals ang hirit ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na Temporary Restraining Order laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales at interior Secretary Ismael Sueno at iba pang opisyal ng Department of the Interior and Local Government.
Kaugnay ito sa dismissal order laban sa kanya noong April 18, 2016.
Sa desisyon ni Morales noong April 18, guilty of grave misconduct and oppression at nakitaan din ng abuse of authority si Tallado at mahaharap sa parusang dismissal from service kabilang ang kanselasyon ng eligibility, forfeiture of retirement benefits at perpetual disqualification for reemployment sa government service.
Nag-ugat ang kaso sa dismissal naman ng 48 personnel na itinalaga ni dating Governor Jesus Typoco Jr.
Gayunman, iginiit ni Tallado na nag-issue siya ng memorandum para sa reinstatement ng isang petitioner noong October 20, 2015 habang ni-reinstate ni Acting Governor Jonah Pimentel ang iba pang petitioner sa kani-kanilang posisyon noong January 4.
By: Drew Nacino