Iginiit ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na hindi nila papayagan ang mga abogado ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magsagawa ng cross examination sa mga testigo laban sa kinahaharap na impeachment complaint nito.
Ayon kay Umali, pagbibigyan lamang ng Kongreso ang kanilang kahilingan kung mismong si CJ Sereno ang magsasagawa ng cross examination sa mga testigo.
Paliwanag ni Umali, nakasaad sa patakaran sa impeachment hearings sa mababang kapulungan ng Kongreso na tanging ang mga resource person o ang mga respondent ang papayagang magsalita sa mga pagdinig.
Binigyang-diin pa ni Umali na kailangang i–reconcile muna ang kahilingan na ito ng kampo ni CJ Sereno sa rules ng Kongreso.
Nauna rito, lumiham si CJ Sereno sa Kamara para hilingin na payagan ang kanyang kampo na makapag – cross examine sa mga ipi –presentang witnesses.