Binatikos ng iba’t ibang transport group ang hirit ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na bigyan ng parliamentary immunity ang mga mambabatas na masasangkot sa traffic violation.
Ayon kay Alliance of Transport Operators Drivers Association of the Philippines President Boy Vargas, hindi maaaring idahilan ng mga mambabatas ang pagiging abala nila sa sesyon para hindi harapin ang mga minor traffic incidents.
Sa panig naman ng PISTON o Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide, masyadong unfair sa panig ng transport sector ang nasabing hirit dahil hindi naman bahagi ng disaster, security at emergency response ang mga mambabatas.
Kapwa iginiit ng dalawang transport leaders na dapat magsilbing mabuting huwaran sa publiko ang mga mambabatas sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa batas trapiko.
SMW: RPE