Ibinasura ng Sandiganbayan 1st Division ang hirit ni Senator Bong Revilla Jr. na dumalo sa huling sesyon ng senado dahil sa kakulangan ng merito.
Sa resolusyon ng 1st Division, hindi maaaring dumalo si Revilla dahil hindi maaaring gampanan ng isang bilanggo ang kanyang propesyon habang nakapiit alinsunod na rin sa naunang ruling ng Supreme Court.
Una ng hiniling ng mambabatas sa Anti-Graft Court na payagan siyang makadalo sa huling senate session simula June 6 hanggang 8 upang makumpleto ang kanyang tungkulin sa taumbayan lalo’t matatapos na ang kanyang termino.
Mag-dadalawang taon ng nakapiit sa PNP-Custodial Center si Revilla kasama ang kapwa senador na si Jinggoy Estrada dahil sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)