Suportado ng Malakanyang ang kahilingan ni Solicitor General Jose Calida sa korte suprema na sampahan ng mas mabigat na kaso si Dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa pagkamatay ng SAF 44 sa Mamasapano incident.
Ginawa ni Calida ang nasabing petisyon kahapon kasabay ng paggunita ng ikatlong anibersaryo ng madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tama ang ginawa ng solicitor general para mapanagot ang responsable sa pagkamatay ng SAF 44 at tuluyan nang makamit ang hustisya para sa mga ito.
Maliban kay Aquino, pinananagot din sina Dating PNP Chief Alan Purisima at Dating SAF Commander Getulio Napeñas, maging ang mahigit 100 katao na kinabibilangan ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at private armed groups sa Mamasapano, Maguindanao.