Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela nina House Majority Leader Rolando Andaya at mga kaanak ng plunder convict na sina Janet Lim-Napoles na absuweltuhin sila sa halos 200 kasong may kaugnayan sa 900 million peso Malampaya fund scam.
Sa January 8 resolution ng special third division ng anti-graft court, hindi naman naghain ng mga bagong argumento sina Andaya at Napoles upang garantiyahan ang pagbaligtad sa August 20, 2018 resolution na nagbasura sa mga motion to quash.
Nangangahulugan itong balido ang mga kasong graft at malversation laban sa mga defendant na dapat nang ituloy sa isang full-blown trial.
May kaugnayan ang mga kaso sa umano’y paglipat ng discretionary fund sa ghost livelihood projects para sa mga biktima ng Bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.