Humarap sa pagdinig ng DOJ o Department of Justice ang tatlong medical experts para panindigan ang pahayag ng mga repondents sa Horacio Castillo hazing case na hindi hazing kung hindi enlargement of the heart ang tunay na ikinamatay ng binata.
Batay sa isinumiteng rejoinder affidavit nila Aegis Juris Fraternity members John Paul Solano, Mhin Wei Chan at Axel Hipe, kanilang inilatag ang findings ng mga kinuha nilang medical experts batay na rin sa autopsy report ng PNP Crime Laboratory.
Ayon kay dating NBI o National Bureau of Investigation Medico-Legal Division Chief Atty. Floresto Arizala Jr, kahibangan ang lumabas sa histopath finings ng crime lab dahil hindi tamang gamitin ang salitang hazing bilang cause of death ni Atio.
Para naman kina Dr. Rodel Capule at Dr. Bu Castro, malinaw na lumaki ang puso ni Atio na siyang ikinamatay nito at iginiit na hindi kayang tukuyin sa medico – legal report gayundin sa histopath findings ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng binata.