Nag ‘courtesy call’ ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa pangunguna ni Commissioner Ghadzali Jaafar na siya ring vice chairman ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumapak sa Kampo Aguinaldo ang mga miyembro ng MILF.
Personal na sinalubong ni AFP Chief General Carlito Galvez at mga heneral ang mga kasapi ng komisyon at binigyan ang mga ito ng tig-isang puting rosas na simbolo umano ng kapayapaan.
Matapos nito ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang panig kung saan ipineresenta ng AFP sa BTC ang magiging transition ng militar sa sandaling simulan ng ipatupad ang Bangsamoro government.
Matatandaang halos dalawang dekada nang “on and off” ang peace negotiations ng gobyerno sa MILF kung saan humantong pa ito sa all-out war noong termino ni dating Pangulong Joseph Estrada noong taong 2000.
—-