Itinanggi ng NCRPO o National Capital Region Police Office na mayroong ‘hit list’ si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga pulitikong sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ito’y ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde makaraang linawin nito na walang mga lokal na opisyal sa Metro Manila ang nasa ‘narco list’ ng Pangulo
Gayunman, nilinaw ni Albayalde sa DWIZ na kahit walang opisyal na kasama sa listahan, hindi pa rin masasabing malinis na ang Kamaynilaan sa iligal na droga.
“Wala po tayong hawak o walang existing na hit list na tinatawag, sa Metro Manila po ang lumalabas na pinaka-grabe na problema sa iligal na droga dahil sa 1,706 barangays, out of the 85 na ni-recommend natin for drug clearing ay 34 pa lang ang na-validate at na-approve ng ating PDEA.” Ani Albayalde
Kinumpirma rin ni Albayalde na may mga opisyal ng barangay silang napapatay o di kaya’y naaaresto sa ginagawa nilang operasyon.
“Subject for operation yan, matatandaan ninyo marami na tayong nahuhuling barangay captains, tanods and other officials, at marami na rin pong namatay sa police operations, hindi po tayo titigil diyan.” Paliwanag ni Albayalde
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita Interview