Pumapalo na sa mahigit anim na libo limang daan (6,500) ang naitalang kaso ng HIV o human immunodeficiency virus ng DOH o Department of Health simula Enero ng kasalukuyang taon hanggang Hulyo.
Ayon sa DOH, nito lamang Hulyo kanilang naitala ang nasa 859 na bagong kaso ng HIV na bahagyang mataas sa naitala naman noong Hulyo ng nakaraang taon.
Dalawampu’t dalawang porsyento ng kabuuang bilang o katumbas ng 193 ang nakitaan na ng advanced HIV infection o tinatawag na AIDS.
Batay rin sa pinakahuling tala ng HIV/AIDS Registry of the Philippines, kabilang sa mga nahawaan ng HIV ang pitong buntis na mula sa NCR, Regions 1, 7 at 11.
Nangunguna pa ring dahilan ng pagkahawa sa sakit ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki na sinusundan ng paggamit ng mga kontaminadong karayom o injection at isa naman ang naitalang kaso ng mother to child transmission.
—-