Pumalo na sa 844 ang kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus sa bansa, kabilang ang siyam na buntis mula Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas ng limang porsyento ang bilang na ito kumpara sa kahalintulad na period noong nakaraang taon.
Batay naman sa ulat ng HIV-AIDS Registry of the Philippines, mula sa 844 na kaso ng HIV, siyamnapu (90) rito ang na-develop sa full-blown AIDS.
Nabatid na tatlumpu’t tatlo (33) na ang namatay dahil sa HIV-AIDS sa nabanggit na buwan.
By Meann Tanbio