Umabot na sa 804 na bagong kaso ng human immuno-deficiency virus o HIV ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Enero kumpara sa tinatayang 400 kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.
Base sa HIV-AIDS Registry of the Philippines ng DOH, ang mga bagong HIV cases noong Enero na ang pinakamataas na bilang na naitala simula 1984 o nangangahulugang 27 bagong kaso ang naitatala kada araw.
Nangunguna ang National Capital Region (NCR) na may 370 cases; Region 4-A, 130 cases; Region 7, 71 cases; Region 3, 60 cases at Region 11 na may 36 cases.
Pitundaan pitumpu’t isa (771) mula sa 804 na bagong kaso ay nakuha sa pamamagitan ng sexual transmission.
Nobenta’y syete (97) porsyento ng mga tinamaan ng HIV ay lalaking edad 17 hanggang 66.
Sa kabuuan ay nasa 31,100 kaso na ng HIV ang naitala sa bansa kabilang ang tinatayang 2,600 AIDS cases kung saan umabot na sa 1,600 ang namatay simula 1984.
By Drew Nacino