Bahagyang tumaas ang bilang ng kaso ng human immuno-deficiency virus o HIV sa bansa.
Batay sa tala ng HIV/AIDS & Art Registry of the Philippines o HARP nitong Pebrero, umakyat sa walundaan apatnapu’t siyam (849) ang panibagong kaso ng HIV kumpara sa pitundaan limampu’t isa (751) sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa unang dalawang buwan ng taon, kabuuang 171 HIV cases ay sanhi ng transactional sex.
Simula naman noong Enero ay halos isanlibo pitundaang (1,700) kaso na ng HIV ang naitala o kabuuang 41,315 total cases simula Enero 1984.
Karamihan o 95 percent ng mga nagkakasakit ay lalaki habang naitala ang pinakamataas na kaso sa National Capital Region na aabot sa tatlundaan at sampu (310); Region 4-A na may isandaan dalawampu’t siyam (129) at Region 3 na may isandaan at dalawa (102).
By Drew Nacino
HIV cases sa bansa bahagyang tumaas was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882