Pinangangambahang pumalo sa higit 200,000 ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa pagsapit ng taong 2025 ayon sa United Nations Program on HIV/Aids (UNAIDS).
Ayon kay UNAIDS Country Director Louie Ocampo, base sa kanilang tala, kung magpapatuloy ang paglobo ng kaso sa bansa ay aabot na ito sa 200,000.
Sa inilabas na tala, 40% dito ay manggagaling sa National capital Region (NCR) at 18% naman mula sa Visayas.
Ikinaalarma rin ni Ocampo na halos 20,000 kaso dito ay mula sa mga may edad 15 hanggang 24.
Una na rito ay ipinahayag ng ahensya na tumaas ng 203% ang kaso ng HIV sa bansa mula taong 2010 hanggang 2018.