Plano ng Department of Health o DOH na gawing mandatory ang HIV screening para sa mga buntis lalo na sa mga lugar na talamak ang HIV-AIDS.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, layon nito nito na maagapang maipasa ng isang buntis na positibo sa HIV ang virus sa dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Nitong Abril, umabot sa isandaang (100) buntis ang nagpositibo sa HIV samantalang mababa kumpara sa mga nagdaang buwan ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV-AIDS.
Nagpahayag ng pag-asa si Ubial na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng HIV AIDS sa bansa.
“Nagdarasal po kami na sana yan na ang umpisa ng pagbaba na talaga ng ating new cases, positivity among new cases, sa mga buntis po ang ginagawa natin, binibigyan natin ng anti-retroviral nang hindi mapasa sa kanyang dinadalang sanggol.” Pahayag ni Ubial
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
HIV screening sa mga buntis planong gawing mandatory was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882