Binabalak ng gobyerno na magtayo ng hiwalay na bangko na para lamang sa Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III aabot sa 20 bilyong piso ang kinuha ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA mula sa kontribusyon ng mga OFW.
Sinabi ni Bello na plano ng pamahalaan na gamitin ang naturang pondo para bumili ng bangko at pangalanan itong OFW bank.
Ginawa ni Bello ang pahayag matapos itong makipag pulong sa Hong Kong officials kaugnay ng insidente ng pagkamatay ng 35 years old na Filipina domestic helper makaraang paglinis ng bintana sa high rise building duon.
By Ralph Obina