Isinusulong ng Kilusang Mayo Uno ang pagkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon ng mababang kapulungan ng kongreso.
Kaugnay ito sa nangyaring malaking sunog sa gusali ng kumpaniyang HTI sa loob ng Philippine Economic Zone Authority sa Cavite.
Lumabas kasi sa isinagawang fact finding investigation ng Kamara na nasa mahigit 1,300 mga manggagawa ng HTI ang nananatili pa ring unaccounted mula nang mangyari ang insidente.
Samantala, binatikos ng grupo ang Department of Labor and Employment o DOLE dahil sa tila pagiging malambot nito sa pagtrato sa dayuhang namumuhunan sa naturang kumpaniya.
By Jaymark Dagala |With Report from Aya Yupangco
Photo Credit: Kilusang Mayo Uno website