Suportado ng P.N.P. ang hiwalay na imbestigasyon ng N.B.I. sa pagkamatay ng 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.
Ayon kay P.N.P. Spokesman, Chief Supt. Dionardo Carlos, mainam na rin ito para mapawi ang mga pangambang lulutuin lang ang imbestigasyon pabor sa mga pulis.
Mayroon na anya silang binuong special investigation task group na tututok sa kaso.
Dagdag ni Carlos, handa rin silang ibigay sa N.B.I. ang anumnag impormasyong kanilang makakalap.
Magugunitang si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa NBI hawakan ang kaso nina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman dahil mga pulis ang sinasabing mga suspek.
By: Drew Nacino
SMW: RPE