Kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa ang hiwalay na inagurasyon ng pangulo at pangalawang pangulo.
Nabatid na si President Rodrigo Duterte ang nagdesisyong humiwalay sa nakaugaliang joint inauguration.
Una nang inihayag ni Special Assistant to the President Elect Christopher Bong Go na nais nilang maging fair kay Vice President Leni Robredo na mayroong prerogative na mag-imbita ng mas maraming guests at supporters nito.
Hindi aniya ito magagawa kung magkakaroon ng sabay na inagurasyon dahil limitado lamang ang magiging bisita nila.
Naniniwala aniya silang dapat lamang mag-imbita si Robredo hindi lamang ang kanyang pamilya at mga kaibigan kundi maging yung mga sumuporta sa kanya para ipagdiwang ang tagumpay nitong pangalawang pangulo.
Binigyang diin naman ni dating Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Head Manuel Quezon III na wala naman talagang batas na nagsasabing dapat magsagawa ng joint inauguration ang pangulo at pangalawang pangulo.
Isinagawa sa Malacañang ang inagurasyon ng Pangulong Duterte samantalang sa Quezon City Reception House naman ang inagurasyon ni Robredo.
By Judith Larino