Aprubado na ng kamara ang ikalawang pagbasa ng panukalang pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga high-level offenders.
Nakasaad sa ilalim ng House Bill 10355 na layunin ng pagkakaroon ng hiwalay na mga pasilidad ang matiyak ang kaligtasan ng ibang mga inmate, Correctional Officers at staffs mula sa mga high-level offenders o nakagawa ng matinding krimen.
Samantala, inirerekomenda ng panukala na itayo malapit sa military establishment o islang hiwalay sa mainlad at malayo sa general population ang mga ilalaang pasilidad para sa high-level offenders.
Nakapaloob rin dito na ang Luzon, Visayas, at Mindanao ay dapat magkaroon ng magkakahiwalay na pasilidad.—sa panulat ni Joana Luna