Naghain ng hiwalay na resolusyon ang Mayorya sa Senado na kumukundena at nagpapatawag ng pagpapatigil sa EJK o extrajudicial killings.
Inihain ni Senador Juan Miguel Zubiri ang resolusyon matapos na hindi siya makapirma kasama ang anim na iba pang senador sa kahalintulad na resolusyon ng Minority Bloc.
Sa Resolution no. 518, hiniling ng Majority senators sa pamahalaan na gawin ang lahat upang mapahinto ang EJK.
Tinukoy sa resolusyon ang datos mula sa Philippine News Agency na mahigit sa 12,000 na ang napapatay sa war on drugs ng administrasyon.
Matatandaan na naging target ng mapanirang artikulo sa isang blog site ang pitong senador na hindi nakapirma sa resolusyon ng minorya kontra sa EJK.
Maliban kay Zubiri, kabilang sa pito sina senador Tito Sotto, Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Dick Gordon, Gringo Honasan at Senate President Koko Pimentel.
(Ulat ni Cely Bueno)