Suportado ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pahayag ni Pope Francis na tanggap ng simbahan ang hiwalayan ng mag-asawa kung mauuwi lang sa karahasan ang patuloy nilang pagsasama.
Ayon kay CBCP President and Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, may pagkakataong kailangan nang maghiwalay ang mag-asawa.
Gayunman, hindi aniya lubos na pabor ang simbahan sa paghihiwalay dahil may iba pa namang paraan, tulad ng marriage counseling, upang maresolba ang problemang pang mag-asawa.
By Avee Devierte