Balik-operasyon na ang direktang flights ng Cebu Pacific mula manila hanggang Hong Kong simula ngayong araw.
Ayon kay Cebu Pacific Chief Commercial Officer Xander Lao, bagaman hindi pa normal ang sitwasyon dahil sa pandemya, kampante silang magtutuloy-tuloy ang kanilang operasyon lalo’t may demand para rito.
Bukod dito, anim na byahe pa lamang anya ang bubuksan ng kanilang airlines ngayong linggo.
Kinakailangan lamang magpakita ang mga pasahero ng negatibong RT-PCR result tatlong araw bago ang scheduled departure at kumpletuhin ang Department of Health Online Declaration Form.
Nito lamang linggo, Agosto 29, ay itinigil naman ng Philippine Airlines ang kanilang biyahe pa-Hong Kong matapos magpositibo ang tatlong pasahero nito. —sa panulat ni Drew Nacino