Itinigil pansamantala ng Hong Kong government ang pagpapatupad nitong mandatory coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines para sa foreign domestic workers.
Ito, ayon kay Hong Kong Leader Carrie Lam ay kasunod ng reklamo ng iba’t ibang grupo dahil sa pag-single out sa kanila.
Una nang isinulong ng Hong Kong government ang mandatory vaccines sa 370,000 foreign domestic workers na inalmahan din ng mga ito partikular mula sa Pilipinas, Indonesia, Nepal at Sri Lanka.