Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na isang Pinay domestic helper ang napabalitang 30-taong gulang na nagpositibo sa bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pagdating nito sa Hong Kong mula Maynila.
Ayon sa DOH, nagmula sa Cagayan Valley ang naturang Pinay domestic helper bago pa ito sumakay ng Philippine Airlines flight PAR-300 noong ika-22 ng Disyembre, mula Maynila papuntang Hong Kong.
Bago tuluyang makabiyahe ang naturang Pinay domestic helper, nagnegatibo muna ito sa isinagawang RT-PCR test sa kanya.
Kasunod nito, inatasan na ng punong tanggapan ng DOH ang kanilang regional epidemiology and surveillance units sa Cagayan Valley at NCR para sa contact tracing.