Sususpendihin ng Hong Kong ang mga biyahe mula sa India, Pakistan at Pilipinas.
Ayon sa Hong Kong authorities, ang pagbabawal ng mga flights simula bukas, ika-20 ng Abril, sa loob ng dalawang linggo ay kasunod nang pagkaka detect ng N501Y mutant coronavirus disease 2019 (COVID-19) strain sa Asian financial hub sa kauna-unahang pagkakataon.
Ipinabatid ng mga Hong Kong government na maituturing ang Pilipinas, India at Pakistan bilang extremely high risk matapos maitala ang multiple imported cases na nagdala ng strain sa Hong Kong sa nakalipas na 14 na araw.
Kahapon ay iniulat ng Hong Kong ang 30 bagong kaso ng COVID-19 na anito’y inimport at itinuturing na pinakamataas na bilang simula ika-15 ng Marso.
Kabilang sa mga airlines na may biyaheng pa-Hong Kong ang Cathay Pacific, Hong Kong airlines, Vistara at Cebu Pacific.