Lusot sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing krimen ang “Hoax Ordering” para mabigyan ng proteksyon ang mga delivery riders.
Nakapaloob sa Committee Report Number 273 ang panukalang batas kung saan mapapatawan na ng kaparusahan ang mapapatunayang naglalagay ng mga order ng panloloko, pagkansela ng mga nakumpirma nang order at pagtanggi sa pagtanggap ng mga hindi pa nababayarang orders.
Ayon kay Senate Trade Committee Chair Senator Aquilino “Koko” Pimentel, naka-alarma na ang dumaraming panloloko sa mga delivery riders.
Dapat na aniyang matuldukan ito at maparusahan kung sinoman ang gagawa pa nito.
Ani Pimentel, naghahanap-buhay lamang ng maayos ang mga riders, ang iba ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye para lamang kumita ng pera kaya’t hindi sila dapat nilololoko.