Nanawagan ang National Federation of Hog Farmers Inc., sa pamahalaan ng subsidiya o di kaya’y sagutin ang kalahati ng gastos ng mga magbababoy sa bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Iginiit ni Chester Tan, pangulo ng N.F.H.F.I, na ang nasabing hakbang ay makakatulong lalo na sa small and medium scale local hog farmers.
Bagama’t wala pang inilalabas na presyo ng kada dose ng ASF vaccine, sinabi ni Tan na posible itong umabot sa P400 – P 600 pesos, na napakamahal aniya para sa mga magbababoy.
Matatandaang inihayag ng Bureau of Animal Industry na epektibo ang bakuna sa pagprotekta sa mga baboy laban sa ASF matapos ang clinical trials sa 6 na farm sa Luzon.