Kailangang maisalba ang hog industry sa bansa.
Ito ay ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri matapos makumpirmang nakapasok na sa bansa ang African Swine Flu (ASF).
Pinagpapaliwanag ni Zubiri ang Department of Agriculture (DA) at ilan pang mga ahensya kung paanong nakapasok ang ASF sa bansa.
Aniya, noong Marso ay nagkasundo ang DA at lider ng hog raising groups na mas paigtingin ang pagbabantay sa mga baboy na pumapasok sa bansa.
Dagdag pa ng Senador, nanawagan siya sa mga otoridad at concerned agencies na gawin ang lahat para hindi na kumalat pa ang ASF sa ibang lugar sa bansa.
Matatandaang sa Pilipinas matatagpuan ang pang-anim sa pinakamalaking hog raising industry sa buong mundo. — ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19)