Mahigpit na mino–monitor ang hog industry sa buong Davao Del Sur dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakuha ang mga nagpositibong baboy sa isang auction site sa naturang probinsiya ngunit tinukoy na galing ang mga baboy sa Davao Occidental.
Dahil dito, sinuspinde na ang operasyon ng auction market at idi- disinfect sa susunod na 30 araw bago payagang magbukas muli.
Naglagay pa ng ASF quarantine checkpoint sa lahat ng entry at exit points sa probinsiya para sa istriktong pag-iinspeksiyon sa mga papasok na karneng baboy.