Kusangloob na isinuko ng isang magbababoy o hog raiser sa lokal na pamahalaan sa Malolos, Bulacan ang kanyang 52 alagang baboy matapos mamatay ang 33 iba pa na hinihinalang dinapuan ng African Swine Fever (ASF)
Ayon kay Alejandro Roque, isinurender na niya sa City veterinary office ang kanyang mga alaga sa takot na baka magkaproblema pa siya kung paano i-dispose ang mga ito sakaling mamatay din katulad ng iba.
Walang ipinangakong bayad ang City Government kay Roque pero sinabihan umano siya ng isang Barangay Chairman na makakatanggap siya ng 3,000 piso bilang kompensasyon.