Aabot na sa P5,000 kada baboy ang mga makukuha ng mga hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng ahensya na pataasin ang ayuda ng mga apektadong magbababoy.
Una nang inianunsyo ng DA na babayaran nila ang mga hog raisers ng tig P3,000 bawat baboy na may ASF.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, bibigyan nila ng karagdagang P2,000 ang mga magbababoy na una nang nakatanggap ng naturang financial assistance.
Samantala, ipinaalala ng ahensya na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng 1-7-10 protocol sa mga lugar na apektado ng ASF.