Tiniyak ng Department of Agriculture na mababayaran ang lahat ng hog raisers na naapektuhan ng african swine fever.
Ayon sa ahensya, natanggap na nila ang P2.158-billion na pondo upang mabayaran ang mga apektadong backyard hog raiser.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na mahigit 48,000 farmer-beneficiaries na nagmamay-ari ng 379,420 culled hogs ang nabayaran na.
Ayon pa sa kalihim, ang natitirang P461 million ay nakatakda namang ipalabas upang bayaran ang iba pang backyard raisers, na nagmamay-ari ng mahigit 92,000 culled hogs. —sa panulat ni Hya Ludivico