Niyanig ng 6.6 magnitude na lindol ang isla ng Hokkaido sa hilagang bahaging Japan.
Nakita ang episentro ng lindol sa layong 62 kilometro timog silangan ng Sapporo.
Sinundan naman ito ng 5.3 magnitude na lindol.
Wala namang inisyal na ulat ng anumang pinsalang naidulot ang nasabing pagyanig pero ilang kabahayan ang nawalan kuryente.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, posibleng magdulot na bahagyang paggalaw sa lebel ng karagatan sa mga coastal areas ang nangyaring lindol.
—-