Ikinakasa na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang Hold Departure Order laban kay Gwyneth Chua, ang balikbayan mula U.S. na tumakas sa mandatory quarantine at naki-party pa sa Makati kahit may COVID-19.
Ito’y makaraang maghain ang PNP-CIDG ng reklamo sa Makati Prosecutor’s Office laban kay Chua, mga magulang, boyfriend nito at limang staff ng Berjaya Hotel.
Ayon sa PNP-CIDG, nais nilang matiyak na makadadalo sa mga pagdinig sa korte si “Poblacion girl.”
Samantala, tinutunton na ng CIDG ang lahat ng nakasalamuha ng mga kasama ni Chua na dumalo sa party.