Naglabas ng hold departure order ang Sandiganbayan 7th Division para kina dating Cong. Ruffy Biazon, dating ERC Chair Zenaida Ducut, Janet Lim Napoles, dating DBM Usec. Mario Relampagos at 10 iba pa.
Ito ay kaugnay sa kinakaharap ni Biazon na kasong direct bribery at paglabag sa Anti-Graft, Corrupt and Practices Act.
Maliban dito, nakatakda din isagawa sa Biyernes ang motion for termination of probable cause, motion to quash at hold in abeyance ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)